Micro Insurance

microinsurance

Ano ba ang CBB-Microinsurance?

Ang CBB-Microinsurance ay nabuo sa pakikipagtulungan ng Manulife Insurance Inc.

Ano ba ang Microinsurance?

Ang Microinsurance ay proteksyon para sa mga low-income na mamamayan laban sa di inaasahang pangyayari tulad ng PAGKAMATAY...

Ano ang mga benepisyo sa CBB-Microinsurance?

ito ay

  1. Abot kaya, mababa ang premium
  2. Simple ang proseso. No health clearance needed
  3. Angkop para sa mga nangangailangan ng financial protection (ginawa para sa inyo)
  4. Mabilis ang pag release ng claims. Within 10 working days para sa kumpletong requirements.

Note: Bago mag enroll dapat ikaw ay may kakayanang makagawa ng mga pangunahing trabaho ng mag-isa at walang kaagabay (nakakalakad, nakakakain, nakakapag bihis at nakakaligo).

Paano makapag enroll?

Para sa Single - P350.00 (Kasama na ang isang magulang o isang kapatid)

Para sa may asawa - P350.00 (Kasama na ang iyong asawa at hanggang 3 anak).

Gaano katagal ang coverage?

Ang coverage ng inyong Microinsurance ay tatagal sa loob ng isang taon. Ito ay renewable kada taon.

Gaano kadalas ang pagbabayad?

Isang beses lang kada taon.

Ano ang coverage ng Microinsurance?

Basic life at accidental death.

Basic life coverage ay pagkamatay dahil sa natural cause of death (pagkamatay dahil sa katandaan. pagkakasakit at iba pa).

Accident death coverage - pagkamatay dahil sa aksidente.

MarriedBasic LifeAccidental DeathBurial Assistance
Principal30,00030,0007,500
Spouse10,00010,000 
Max. 310,00010,000 
MarriedBasic LifeAccidental DeathBurial Assistance
Principal30,00030,0007,500
1 Parent or 1 Sibling10,00010,000 

Paano makakakuha ng claim?

Simple lang ang claim proccess..

  1. Ipaalam sa bangko ang pagkapamatay ng insured na miyembro.
  2. Magpasa ng death certificate at 2 valid IDs ng claimant.
  3. Mag fill up at ipasa ang claim form.
  4. Makukuha ito sa loob ng 10 araw para sa mga  kumpletong requirements

Age Limit

StatusAge Limit
Principal18-65
Spouse 18-55
Parent18-55
Child or Sibling14-21

Sinu-Sino ang HINDI maaaring macover ng Microinsurance?

May kapansanan at mga taong hindi na nakakagawa ng mag isa ng 4 na pangunahing gawain.

  1. Nakakalakad
  2. Nakakabihis
  3. Nakakaligo
  4. Nakakakain